Huwebes, Hulyo 31, 2014

Ang Mga Sinaunang Kabihasnan

                 Ang Mga Sinaunang Kabihasnan

    
     Simula ng Kabihasnan sa Mesopotamia

  Ang lambak-ilog ng Mesopotamia ay napapalibutan ng Kabundukang Taurus sa hilaga at ng Kabundukang Zagros sa silangan. Ang hangganan naman ng Mesopotamia sa Timog ay ang Disyerto  ng Arabia at sa Timog-Silangan ay ang Golpo ng Persia.

    Ang pangalan ng Mesopotamia ay nagmula sa salitang Griyego na ang kahulugan ay "lupain sa pagitan ng mga ilog." Ang dalawang Ilog na tinutukoy rito ay ang Ilog Tigris at Ilog Euphrates.
    Dahil sa matabang lupain at mainam na patubig mula sa mga ilog, bahagi ang Mesopotamia sa tinatawag na Fertille Crescent na mga lupain sa Kanlurang Asya.
Fertile Crescent


Ang Mga Unang Imperyo
    
    Akkadian
        Dahil Dito , unti-unting nasakopang mga lungsod ng Sumer ng kaharian ng Akkad na pinamumunuan ni Sargon the Great. Sa ilalim ng pamamahala ni Haring Sargon , lumawak ang sakop ng Akkad at kinilala bilang unang imperyo.
Sargon the Great

Assyrian
     Ang mga lupaing malapit sa Assyria ay ginawang lalawigan at ang mga kaharian na kaalyado ng imperyo ay pinangalagaan ng hukbong Assyrian laban sa mga kaaway at mananalakay.
      Hindi rin nagtagal ang imperyo ng mga Assyrian dahil nag-alsa ang kanilang mga nasaskupang mamamayan dulot na rin ng kanilang kalupitan.



Babylonian
     Sila ang mga Amorites na nagtatag ng kabisera sa Babylon. Nakamit ng imperyong Babylonian ang rurok ng kapangyarihan sa ilalim ng pamumuno ni Hammurabi.

 Hammurabi
Chaldean
     Itinatag ng mga chaldean ang kanilang kabisera sa matandang lunsod ng Bayblon. Naging tanyag na hari ng mga Chaldean si Nebuchadnezzar. Ito ay dahila sa kanyang pinagawang Hanging Gardens. Ito ay isang bai-baitang na hardin na alay para sa kaniyang asawa na si Reyna Amyitis.


Hanging Gardens

Relihiyon
          Ang mga Sumeryano ay maituturing na may politieskong pananampalataya. Ang pinakamakapangyarihan nilang diyos ay si Enlil, ang Diyos ng hangin at ng mga ulap. Si Shamash naman ang Diyos ng Araw na nagbibigay ng kaliwanagan at si Inanna ang Diyosa ng Pag-ibig at Digmaan , si Udug na pinaniniwalaan nilang tagapaghatid ng sakit, kamalasan, at gulo.


            Kabihasnan ng Egypt
    Sa simula, nahahati ang Egypt sa dalawang kaharian . Nabuklod lamang ang dalawang kahariang ito sa ilalim ng pamumuno ni Menes.Hinati ng historyador ang mga kaharian sa tatlo: ang Lumang kaharian, Gitnang Kaharian, at Bagong Kaharian.

Ang Lumang Kaharian
    Sa panahong ito nagsimulang tawagin na paraon ang pinuno ng kaharian. Ang paraon ay itinuturing ding isang diyos ng mga tao kaya ganap ang kaniyang kapangyarihan sa buong Egypt.
    Tinawag din itong "Panahon ng Piramide" dahil sa panahong ito ay nagsimulang magpatayo ang mga paraon ng libingan ng hugis piramide. Ang unang Piramide ang kay Paraon Djoserna bai-baitang ang disenyo na matatagpuan sa Saqqara.
          Ang mga piramide ay patunay na katatagan ng pamamahala ng mga paraon at husay ng kanilang kabihasnan.
     Nagwakas ang Lumang Kaharian dulot ng magkakaugnay na suliranin tulad ng kakulangan ng pagkain dahil sa tagtuyot, magastos na halaga ng pagpapatayo ng piramide , at agawang sa kapangyarihan ng mga maharlika na humantong sa pagkakahati ng Egypt sa maliliit na Kaharian
Piramide Djoser
Gitnang Kaharian
    Sa pamumuno ni Haring Mentuhotep II, miling napag-isa ang Egypt.Ang panahong ito ay pinalakas ng mga maharlika at ito ay tinatawag sing " Panahon ng mga Maharlika" .
    Nagdala ng kaayusan at kaunlaran ang pamumuno ni Hyksos sa loob ng 160 taon. Napatalsik lamang sila sa egypt sa isang pag-aalsa na pinamumunuan ni Ahmose I ng Thebes.
Hyksos

Ang Bagong Kaharian
      Nagsimula ang Bagong Kaharian sa paghahari ni Ahmose I. Binuo muli ni Ahmose I ang Egypt sa iisang kaharian sa ilalim ng kabisera ng Thebes.Sinakop Din niyang muli ang Nubia at Canaan kaya tinagurian ding siyang "Panahon ng Imperyo" ang pamunuan ng mga paraon ng Bagong kaharian.
      Kabilang sa mga natatanging paraon ng Bagong kaharian si Reyna Hatsepshutna unang babaeng paraon na ngadala ng katahimikanat kaunlaran sa Egypt sa loob ng 19 na taon.
Reyna Hatsepshut

Katangian ng kabihasnan
    Relihiyon
     Marami silang mga Diyos . Ilan sa kanilang mga Diyos ay si Ra, ang diyos ng Araw; si Horus, ang Diyos ng Liwanag; at si Isis, ang Diyosa ng mga Ina at Asawa.
       kapag mamamatay ang mga tao sa ehipto pinaghuhusgahan sila kung saan sila mapupunta sa "Paraiso ng kabilang mundo" o sa "Mangangain ng Kaluluwa"
       
Mangangain ng kaluluwa


           paraiso


    Lipunan
         Maihahambing sa isang piramide ang anyo ng lipunan sa egypt. Ang paraon at ang kaniyang pamilya ay nasa pinakamataas na bahagi. Kasunodnito ang mga opisyal na pamahalaan, pinunong hukbo, at mayayamang may-lupa. Ang pinakamalaki sa lahat ng piramide ay ang pinatayo ni Cheops(Khufu).
Piramide ni Khufu

Pagsulat
   Sa panahon ng sinaunang Egypt tinutumbasan ng hugis o larawan ang isang bagay.Nagsusulat ang mga Ehipto sa bato at luad, hanggangsa maimbento nila ang papel na mula sa Papyrus Reeds.
                          Papyrus Reeds 

Agham at Teknolohiya
     Bumuo ang mga Ehipsiyo ng mga kalendaryo na nakabase sa bituin na Sirius.Ayon sa historyador, ang kalendaryo ay may kaibahan lamang ng 6 na oras sa isang solar year.
Bituin ng Sirius

            Kabihasnan sa India
 Heograpiya
    Sa hilagang bahagi mh sub-kontinente ng India sumibol ang isang kabihasnan na matatagpuan sa lambak-ilogng Indus. Sa hilagang lambak-ilog at nakapaligid ang kabundukan ng Hindu Kush, Karakoram, at Himalaya na pinagmulan ng tubig ng ilog.
      Ang pinakamalaking lungsod sa India ay ang Kalibangan , Mohenjo-Daro , Harrapa.
Mohenjo-Daro

Panitikan
     Sa larangan ng panitikan, dalawang dakilang epiko ang nagmula sa India-- ang Mahabharata at Ramayana. Ang Mahabharata ay naglalaman ng 90 000 taludtod at tinuturing na isa sa mga pinakamahabang tula sa buong mundo. Ito inilalahad sa digmaan na pinamumunuan ng limang magkakapatid na Pandavas na sina Dharmaputra, Bhima, Arjuna, Nakula, at Sahadeva. Ang Ramayana din ay pareho sa mahabharata na patula..



     Mahabharata                                 Ramayana

Pananampalataya ng mga Aryano
    Sa simula, magkataliwas o magkaiba ang paniniwalaang diyos ng mga Aryano at ng kanilang mga nasaskupang Drabidyano.
      Sinuri ng mga guro ang nilalaman ng mga Vedas at kanilang nabuo ang aklat na Upanishads.


      Ang upanishads ay kalipunan ng diyalogo ng isang guro at mag-aaral. Batay sa sulatin, kailangang maunawaan ng tao ang kaugnayan ng atman at ang Brahman. Kapag nakamit na ng tao ang Moksha makakamit niya ang kalayaan mula sa Samsara.


  

Sa paglaganap ng relihiyon ng mga Aryano at kanilang sistemang kasta, maraming tao ang tumutol sa patakaran. Dahil dito , dalawang relihiyon ang sumibol bilang pagtutol sa Hinduismo. Ito ay ng Buddhismo at ang Jainismo.

Ang Buddhismo
   Ang nagturo ng Buddhismo sa Indiay ay si Siddharta Gautama na kabilang sa pamilya na naghari sa Kapilavastu na matatagpuan sa kasalukuyang Nepal.
Siddharta Gautama



       Sa paglipas ng panahon, nahahati ang Buddhismo sa dalawang pangkat-- ang Theravada na lumaganap sa Sri Lanka, Thailand, Burma, Cambodia, at Laos; at ang Mahayana na lumaganap naman sa China, Tibet, Japan, Korea, Mongolia, at Vietnam.
Theravada
         
    Ang Theravada ay naniniwala lamang sa makasaysayang Buddha(Gautama) at sa ibang paniniwalang mga Buddha sa nakalipas.
                             Mahayana

   Samantala, naniniwala ang Mahayana kay Gautama Buddha at Amithaba, at mga Medicine Buddha.

Jainismo
    Ayon sa mga nananalig ng Jainismo, lumitaw sa mundo sa magkakaibang panahon ang 24 na guro na nagturo sa mga tao upang mapalaya ang kanilang sarili mula sa karma. Tinawag silang mga Jina na nangangahulugang "mananakop" at mga tirthankaras o "silang mga nakahanap ng landas sa kaligtasan". Kinikilala si Vardhamana bilang ika-24 sa mga durong ito at itinuturing na tagapagtatag ng samahang Jainismo, kung kaya tinanghal siyang Mahavira o "dakilang bayani".
Vardhamana

Imperyong Maurya
     Kinilala bilang hari ng Magadha si Chandragupta Maurya
Chandragupta Maurya
   
    Siya ay isang pinunong militar na nagpatalsik sa pamilyang Nanda na naghahari noon sa Magadha.Pinalaki niya ang sakop ng kaharian at itinatagang Imperyong Maurya. Bumuo siya ng isang sentralisadong kawanihan na magpapatakbo sa pamahalaan. Hinati rin niya ang imperyo sa apat na lalawigan na pinamumunuan ng isang prinsipe. Humahalili sa kanyang trono ang kaniyang anak na si Bindusara.
Bindusara

Napanatili siya sa imperyo at pinalawig pa sa katimugang India ang kapangyarihan.ng Imperyo.sumunod sa kanyang tronpo si Asoka.
Sa pagpanaw ni Asoka noong 232 BCE , pawang mahihina ang mga sumunod na hari na humantong sa tuluyang pagkawatak-watak ng imperyo.

Imperyong Gupta
   Makalipas ang 500 taong kaguluhan at digmaan, mayroong muling lumitaw na mahusay na pinuno sa kaharian ng Magadha. Siya ay si Chandra Gupta na nagtatag ng Imperyong Gupta noong 320 CE.
    Sa larangan ng matematika,ipinakilalang mga paham ang konsepto ng pagbibilang mula una hanggang ikasiyam na bilang .Ang kaalamang ito ay hiniram ng mga Arabe at dinala sa Europe kung saan nakilala ito bilang Hindu Arabic numerals.
Hindu Arabic Numerals

   Kabihasnan sa China
Heograpiya
   Sa lambak sa pagitan ng mga ilog ng Huang Ho at Yangtze sumibol ang mga unang pamayanan sa China. Ang hangganan ng lambak sa hilaga ay ang Disyerto ng Gobi at sa silangan manan ay ang Karagatang Pasipiko. Ang mga kabundukan ng Tien Shan at Himalaya ang nasa Kanluran ng Lambak at sa Katimugan at sa katimugan naman ay ang mga lagubatan ng Timog-Slangang Asya.

Mga Unang Dinastiya

Dinastiyang Hsia
  Ang unang hari nito ay si Yu na isang inhinyero at matematiko. Sa pamumuno ni Yu , nagsagawa ang mga Tsino ng mga proyektong pang-irigasyon na hahadlang sa mapaminsalang pagbaha ng ilog.

Yu

Dinastiyang Shang
    Pumalit sa dinastiyang Hsia ang dinastiyang Shang 1500BCE. Ang tatlong pangunahing katangian ng paghahari ng mga Shang ay ang pag-uumpisa ng pagsulat, kaalaman sa paggamit ng bronse, at ang pag-aantas sa lipunan.
    Hinati sa dalawa ang lipunan sa panahon ng dinastiyang Shang. Ang unang pangkat ay ang mg amaharlika at mandirigma. Nabuhay sila sa mga palasyo at tinatamasa ang marangyang pamumuhay. Samantala, malaking bahagi ng populasyon ang kabilang sa ikalawang pangkat na binubuo ng mga magsasaka.
Isang Shang

Dinastiyang Zhou
  Napatalsik ng mga Zhou ang dnastiyang Shang.Pinagpatuloy nila ang konsepto ng Tian Ming o "mandato ng lagit" na ang hari ang kinikilalang kinatawan ng langit sa mundo.Naging kalakaran na rin sa panahong iyon ang piyudalismo o ang paglilingkod ng isang tao sa isang malakas na mandirigma kapalit ang proteksiyon at lupang masasaka. Ang malagim na panahong ito sa kasaysayan ng China ay tinaguriang "Panahon ng mga Nagdidigmaang Estado".


Tian Ming

Dinastiyang Qin
     Tinawag ng pinuno ng Qin ang kaniyang sarili na Shi Huangdi na nangangahulugang unang emperador. bilang isang emperador marami siyang pinagawa. nagpagawa siya nga pader at sa kasalukuyan ang mga pader ay kinilalang "Great Wall of China".
Great Wall of China

Mga Pilosopiyang Lumitaw sa Huling Dalawang Dinastiya
    Confucianismo
      Si Confucius ay ipinanganak noong 551BCE sa panahon na ang dinastiyang Zhou y unti-unting nawawasak dahil sa digmaan ng mga estado .Namuhay siya bilang isang iskolar .
Confucius

    Naniniwala siya na ang edukasyon ang susi upang isang karaniwang tao ay maging maginoo. 




Taoismo
   Ang isa pang pilosopiya na sumibol sa China . Itinuro ito ng pilosopong si Lao-Tzu.
Lao-Tzu

   Siya ay naniniwala na ang pinakamahalagang gawain upang makamit ang kaayusan at kapayapaan ay ang pagpapaubaya sa natural na takbo ng kalikasan.Sabi niya ang pakikiisa sa kalikasan ang sagot sa kaguluhan.


   Kailangang mapanatili na balanse ang ugnayan ng Yin at Yang upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan. Dahil sa lubos na pinaghahalagahan Taoist na makamit ang pakikiisa sa kalikasan, sinusunod din nila ang Feng Shui.
Yinyang at Feng Shui

Legalismo
     Ayon sa pilosopiyang ito, ang isang malakas at mahusay na pamahalaan ang susi sa pagpapanatili ng kaayusan.Ayon sa teorya ng mga legalista, at sistemang pangmilitar nito upang maging malakas. Tuluyan nang bumagsak ang dinastiyang Zhou at hindi nagtagal ay sinakop ng Imperyo ng Qin ang mga Estado nito.

Iba pang Kabihasnan sa Asya
    
  Ang Mga Hitito
    Nagmula sa damuhan ng Gitnang Asya ang mga Hitito.
Dalawa ang susi sa tagumpay sa digmaan ng mga Hitito. Una na rito ay ang paggamit nila ng mabibilis na Chariot at ang ikalawa ay ang kanilang kaalaman sa pagpapanday ng bakal upang gawing pana, palaso ,palakol, at espada.
Chariot

Ang mga Phoeniciano
   Anf mga Phoeniciano, kabilang sa pangkat ng lahing Semitiko.
Kung ihahambing sa mga haring mandirigma ng ibang mga kabihasnan, ang mga pinuno ng mga lungsod-estado ng mga Phoeniciano ay mga Phoeniciano ay mga haring mangangalakal.Ang maituturing na pinakamahalagangambag ng mga Phoeniciano sa sangkatauhan ay ang alpabeto.
Alpabeto ng Phoeniciano

Ang mga Persyano
  Nagmula ang makapangyarihang imperyo ng Persia sa malawak na talampas ng kasalukuyang Iran. Ang salitang Persia ay halaw sa katagang Persis, bansag ng mga Griyego sa lugar na iyon . Sinakop ng kaniyang Hukbo ang Thrace at Marcedonia na bahagi ng Europe. Itinuturing na isa ang Imperyong Persyano sa pinakamalaking imperyo noong panahonh iyon sapagkat nagawa nilang mapahawak ang kanilang teritoryona umabot sa tatlong kontinente-- Asya , Africa, Europe.
               
                         Persia
Pamahalaan
    Sa simula, naging mahirap para sa mga Persyano na pamahalaan ang napakalawak nilang imperyo. Bunsod nito, hinati nila sa 20 satrapy o lalawigan ang kanilang teritoryo.Pinamumunuan ang bawat lalawigan ng isang satrap o gobernador na hinirang ng hari
satraphy



Relihiyon
    Ang sinaunang relihiyon ng mga Persyano ay kahalintulad ng mga Aryano ng India.Gayunpaman,ipinahayag ng propretang si Zoroaster na may iisang siyos lamang.
Propretang Zoroaster

     Ang diyos niya ay tinawag niyang Ahura Mazda na pinagmumulan ng kaliwanagan at katotohanan. Sa pamamagitan ng paglilingkod kay  AhuraMazda at sa pamumuhay nang tama lamang makaligtas ang mga tao.
Ahura Mazda

Ang mga Kabihasnan Sa America
  Ang mga Olmec
   Tinatawag na Olmec o mga taong goma ang pamayanan na naninirahan ng Golpo ng Mexico.Hanggang sa kasalukuyan , hindi parin natutklasan ang paraan ng pagbasa sa sistema ng pagsulat ng mga Olmec. Binubuo ang sistema ng kanilang pamilang ng tatlong simbolo- ang dot na katumbas ng bilang 1, ang bar na katumbas ng bilang 5, at ang 0. Kung tutuusin , nauna ang mga Olmec  kaysa sa mga Indian sa pagkakatuklas ng zero.
Olmec

Ang mga Teotihuacano
  Matatagpuan sa lambak ng Mexico ang tinaguriang "Lupain ng mga Diyos" o Teotihuacan.
Teotihuacan

  Ito ay kinilala bilang unang lungsod sa America. Ang lugar na ito ay naging sentro ng mga magsasaka, artisano, arkitekto, at musikero. Mayapa ang kanilang pamumuhay.Sa paglipas ng panahon, nakamit nila ang pinakamalawak na ugnayang pangkalakalan sa Gitnang America. Sinasamba ng mga Teotihuacano ang diyos na si Quetzalcoatl. Ayon sa kanilang paniniwala, si Quetzalcoatl ang nagbigay sa tao ng kaalaman sa pagsasaka, pagsulat, paglikha ng kalendaryo at iba pa. 

 Quetzalcoatl. 


Ang mga Mayan
    Nagsimulang sumibol ang kabihasnan ng mga Mayanmula sa mga pamayanang nagsasaka na nagtayo ng mga sentrong panrelihiyon para sa kanilang mga Diyos.Nahahati sa apat na antas ang lipunan ng mga Mayan. Nasa pinakamataas na antas ng lipunan ang mga maharlika na namamahala sa mga mamamayan ng lungsod. Tinatawag na Halach Uinic 





Halach Uinic

      Ito ang pinuno ng lungsod na siya ring pinuno ng hukbo. Samantala, kaagapay nito ang ilang mga maharlika sa paglikom ng buwis at pagsasaayos ng mga pampublikong gusali at kalsada.

Kabuhayan
   Pagsasaka ng mais ang pangunahing kabuhayan ng mga Mayan. Mayroon din silang industriya ng paghahabi ng tela, pagpapalayok, at pag-uukit. Ikinakalakal nila ang nagawang produkto sa ibang mga lungsod.
pagsasaka

Relihiyon
     Tulad ng mga naunang nabanggit na nabanggit na kabihasnan sa America, nakabatay rin ang buhay ng mga Mayan sa kanilang relihiyon. Politeistiko ang mga Mayan dahil naniniwala sila sa maraming diyos na namamahala sa kanilang buhay. Ang mga pari ang namumuno sa mga seremonya ng pag-aalay. Tinularan din ng mga Mayan ang seremonya ng mga Olmec na paglalaro ng bola bilang pagsamba sa kanilang diyos. Tinawag nila itong poc-ta-tok.
poc-ta-tok

   Nilalaro ito sa isang Ballcourt. Kailangang ibuslo ng magkalabang pangkat ang isang goma sa isang Stone ring. Ang pangkat ng mga manlalaro na matatalo ay magsislbing alay sa kanilang mga diyos.

Katangian ng kabihasnan sa Iba't ibang Larangan.
  Ang mga Mayan ay nakalikha rin ng sitema ng pagsulat. Binubuo ito ng 800 simbolong hieroglyph.
 hieroglyph

       Ito ay kanilang nililok  sa mga pader ng mga gusali, at isinulat sa mga palayok at mga papel na mula s blat ng puno.

Ang mga Aztec
     Sa hilagang Mexico ng mula ang mga nomadikong Aztec na kilala rin sa tawag na Mexica. Nagsilbi din silang sundalo sa maliliit na lungsod-estado sa lambak ng Mexico. Nang matatag ang Aztec sa kabisera sa Tenichtitlan, unti-unting nasakop ang mga kalapit na kaharian. Itinuturing extractive empire ang pamamahala ng mga Aztec . Dahil kapag nasakop nila ang isang lungsod, hindi nila pinapalitan ang mga pinuno.
Aztec

Ang mga Inca
       Sa south america sumibol ang isang kabihasnan at imperyo na sumakop sa malaking bahagi ng Kabundukang Andes. Ang Imperyong ito ay ang Inca. Sa maliit na pamayanan sa lambak ng Cuzco nagsimula ang mga Inca. Sa pamumuno ni Pachacuti Inca, limawak ang nasasakupan ng mga Inca at nakabuo ng isang imperyo. Naging matagumpay ang inca sa pagpapalawak ng kanilang teritoryo dahil sa natatangi nilang paraan at pakikidigma
Inca

                              Kabihasnan ng  Africa
Sumibol ang kultura at kabihasnan sa Africa. Ang mga taong Nok ang isa sa mga sinaunang kultura na naninirahan sa Nigeria. Ang Nok ay mga magsasaka na unang nakaalam ng paraan ng pagpapanday ng bakal sa baging iyon ng Africa. Lumikha din sila ng mga kasangkapan gamit ang luad, kahot at mga bato. Sa Kanlurang Africa naman, nagmula ang mga Buntu. Sila ay magsasaka at tagapastol ng baka. At sa paglipas ng panahon, unti-unting kumalat ang mga Bantu patungong Katimogang Africa. 

Ang mga Kushite
     Ang relihiyon ng Nubia ay napasailalim sa mga kapangyarihan ng mga Ehipsiyo na matatagpuan sa katimugan ng Ilog Nile. Sa katimugan ng Nubia matatagpuan ang imperyo ng Kush.  Unti-unting nakamitng mga Kushite ang kanilang hukbo noong 751 BCE, nasakop nila ang Egypt. 
Kushite

Ang mga Aksumite
       Ang pagkakatatag ng kaharian ng Aksum ay pinasimulan ng anak ng Reyna ng Sheba at ni Haring Solom ng Israel. Matatagpuan ang kaharian ng Aksumite sa hilagang-silangan bahagi ng Africa. Sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan napanatili nika ang kapangyarihan. Ang baybayan ng Aksum ay nagsilbing daungan ng mga barko ng mga mangangalakal. Ipinag-utos ni Haring Ezana na sakupin ang lupain ng Yemen upang sa paghahangad na mapalawak ang kaharian ng Aksum. Sunod, ay sinakop nila ang Kush at makalipas ng 20 taon ay sinunog nila ang lungsod ng Meroe. 
Aksumite

Ang mga Imperyong Pangkalakalan

-Ang Ghana
   Soninke ang tawag sa mga mamamayan ng Ghana. Pagsasaka at pagpapanday ang pangunahing ikinabubuhay nila. Ang teritoryo ng Ghana ang tanging rutang dinaraanan ng mga caravan ng ginto mula sa Wangara sa Mali at asin na mula naman sa hilagang disyerto.
Ghana

Ang Mali 
    Lumitaw ang Mali mula sa anino ng Ghana. Ang unang mansa o emperador ng Mali ay si Sundiata. Nasakop niya ang kaharian ng Ghana at ang mga lungsod ng kumbi at walat sa pamamagitan ng digmaan. Isa pa sa mga kinikilalang pinakadakilang pinuno ng Mali ay si Mansa Musa. Katulad ni Sundiata, naging mahisay siya sa pamamahala at pananakop. 
Mansa Musa

Ang Songhai
      Bumuo ng isang hukbo ang mga Songhai, na nagpalawak ng teritoryo at mula kabisera ng Gao ay pinamahalaan ang mga rutang pangkalakalan. Ang natatanging pinuno ng Songhai ay si Sunni Ali. Bumuo si Sunni Ali ng isang hukbo na may mga barkong padigma at mga sundalong kabayuhan dahil taglay nya ang kaalamang militar at agresibong pamumuno. Sinakop niya ang Timbuktu, Gao at Djene na sentro ng kalakalan sa Africa. Ang kanyang paghahari ay tumagal hanggang 30 taon at pinaunlad niya ang bilang sentro ng kaalaman at kulturang Muslim sa Africa. 
Sunni Ali

KABIHASNAN SA PASIPIKO
Polynesia
Binubuo ng mahigit sanlibong pulo mula sa Gitnang Pasipiko hanggang sa New Zealand ang Polynesia. Polynesia galing sa katagang Griyego na polus na nangangahulugang "marami" at nesos na ngangahulugang "pulo". Sakot nito ang teritoryo sa Hawaii sa hilagang-silangan. 
Polynesia

Micronesia
Bahagi pa rin ng Pasipiko ang Micronesia ito ang pinakamalapit sa Pilipinas. Galing ito sa salitang griyego namikros na nangangahulugang "maliit" at nesos na nangangahulugang "mga pulo". Matatagpuan ang Micronesia sa silangan.
Micronesia

Melanesia
Matatagpuan ang Melanesia sa Kanlurang Pasipiko. Galing din sa salitang Griyego na melas na ang ibig sabihin ay "maitim" at nesos na nangangahulugang "mga pulo". Tinitirahan ng mga taong maitim ang balat. 
Melanesia